^

Police Metro

Good governance at genuine service, ipagpapatuloy ni Mayor Belmonte

Angie dela Cruz - Pang-masa
Good governance at genuine service, ipagpapatuloy ni Mayor Belmonte
Si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama ang kanyang running mate na si Vice Mayor Gian Sotto at ang aktor na si Arjo Atayde na tumatakbong congressman sa District 1 sa isinagawa nilang motorcade sa pagsisimula ng local campaign period, kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sa unang araw ng kampanya kahapon ay ipinangako ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kanyang  ipagpapatuloy  ang pagsusulong ng good governance at genuine service.

“Ang kailangan ng ating lungsod ay lider na titiyaking hindi maibubulsa ang kabang bayan. Hindi corrupt. Ang pera ng taumbayan ay dapat ibinabalik sa taumbayan sa pamamagitan ng tapat na serbisyo,” pahayag ni Belmonte sa kanyang talumpati sa grand rally sa Quezon Memorial Circle.

Idinagdag pa ni Belmonte na ang kailangan na lider ay tapat sa tungkulin, matino, may talino, may pagmamalasakit at dedikasyon sa trabaho at higit sa lahat ang kailangan na lider ay hindi makasarili at iniisip ang kapakanan lamang ng taongbayan, bago sarili.

Sinabi rin ni Belmonte ang kanyang mga nagawa sa unang termino bilang alkalde ng lungsod at naging hamon ang pandemya sa COVID-19.

Dahil sa maayos at transparent na pamamahala, ginawaran ang Quezon City government ng pagkilala ng Commission on Audit (COA) na naging kauna-unahan sa kasaysayan para sa annual audit report para sa taong 2020.

Itinanghal din ang Quezon City na pinakamayaman na local government unit (LGU) na mayroong P452 bilyong total assets.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with