MANILA, Philippines — Pormal nang inendorso ng PDP-Laban si QC Mayor Joy Belmonte bilang kanilang kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod.
“We have unanimously agreed to endorse and support the bid of Mayor Joy Belmonte,” pahayag ng PDP-Laban.
Nabatid na sina Abbin Dalhani, president; Jojo Abad, vice president; Nestor Revilla, secretary general; Gilbert PE Aguirre, treasurer; Brian Lu, chairman ng political affairs committee; Marc Anthony Maclang, chairman Ong membership committee ang lumagda sa statement.
Ayon sa PDP-Laban, ang maayos na pamamahala ng Belmonte sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19 ang isang basehan para suportahan ang kanyang kandidatura.
Nagpapasalamat naman si Belmonte sa pagsuporta ng PDP-Laban.
“Lubos tayong nagpapasalamat sa PDP-Laban Quezon City Council at sa National Alliance of Broadcast Unions (NABU) sa kanilang napakahalagang endorsement.These endorsements show that our good governance efforts did not go unnoticed. At the same time, the vote of confidence definitely serves as a big boost for my bid to win a fresh three-year term. Kapag tayo’y nabigyan ng panibagong mandato, maipagpapatuloy natin ang mga nasimulan nating programa at mga proyekto sa ating unang termino bilang mayor,” pahayag ni Belmonte.