17 Metro Manila LGUs nabigyan ng ambulansiya ng Pitmaster

Pormal na ipinamahagi ng Pitmaster Foundation ang 17 ambulansiya sa mga local government unit sa Metro Manila katuwang ang MMDA, DOH at DILG.

MANILA, Philippines — Binigyan ang 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila ng ambulansiya ng Pitmaster Foundation, isa sa pinakamalaking charity institutions sa bansa.

Ang mga naturang ambulansiya ay pormal na ipapamahagi ng foundation sa mga MM-LGUs, katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG), bilang ikatlong bahagi ng kanilang commitment sa mga Metro Manila Mayors.

Sinabi ni Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, una ng nakapamahagi ang Pitmaster ng kabuuang 160 units ng ambulansiya sa iba’t ibang LGUs at medical centers sa buong bansa, kabilang ang tig-isa sa 81 lalawigan sa Pilipinas.

Nabatid na ang Pitmaster Foundation ay nakapagkaloob na ng halos P1 bilyong iba’t ibang uri ng emergency at medical relief at support na kung saan ay mahigit sa 50,000 pasyente na rin ang nakinabang mula sa kanilang ibinibigay na dialysis assistance.

Show comments