‘Missing sabungeros’ posibleng patay na — Duterte

MANILA, Philippines — “Maaaring patay na ang mahigit sa 30 na­­wawalang mga sabungero.”

Ito ang hinala ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na kanyang inihayag sa pagbisita sa Palo, Leyte at ibinunyag na mayroong sindikato sa loob ng sabungan. 

Iginiit pa ng pangulo na ang mga sabungero na nawawala ay hindi mala­yong nanabotahe ng laban at ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig ng manok para sipunin at magkasakit kaya sa ganitong paraan sa pag­sapit ng laban kinabukasan ay mahina na ito at tiyak na matatalo.

Ayon kay Duterte, po­sibleng nahuli ng mga sindikato ang pananabo­tahe ng mga sabungero kaya nalagay sa peligro ang kanilang buhay at maaari rin umanong pumusta rin ang mga sabungerong ito depende sa naging kasunduan o pakikipagtransaksyon.

Pinapaubaya na ni Pa­ngulong Duterte sa mga otoridad ang pagresolba sa mga kaso at mailabas­ ang puno’t dulo ng mga nasabing insidente.

Show comments