^

Police Metro

Kawalan ng plataporma ni BBM, ikinabahala ng dating BSP chief

Doris Franche - Pang-masa
Kawalan ng plataporma ni BBM, ikinabahala ng dating BSP chief
Ito ang naging babala ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) deputy governor Diwa Guinigundo sa mamamayang Pilipino kung sakali itong manalo bilang Presidente ng bansa.
File

MANILA, Philippines — Magpapabagsak umano sa ekonomiya ang kawalan­ ng plataporma ni presidential aspirant Ferdinand “Bong­­Bong” Marcos Jr.

Ito ang naging babala ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) deputy governor Diwa Guinigundo sa mamamayang Pilipino kung sakali itong manalo bilang Presidente ng bansa.

Ayon kay Guinigundo, maraming problemang ma­manahin ang susunod na Pangulo dahil na rin sa epekto ng COVID-19 pandemic at sunud-sunod na utang na pinasok ng Duterte administration mula 2020.

Mahina anya, at hindi tiyak ang mensahe ni BBM sa plano nito sa bansa sakaling manalo sa pagka-presidente.

“Ayaw ni Marcos Jr na humarap sa iba’t ibang pre­sidential fora or debates na itinataguyod ng media at iba’t ibang organisasyon. Takot siyang matanong hinggil sa kato­tohanan ng napakaraming isyu niya at ng kanyang pamilya,” banggit pa ni Guinigundo.

Kailangang malaman ito ng mga Pilipino para mata­linong makapamili ng ibobotong Presidente. Nanga­ngamba rin si Guinigundo sa kakayahan ni Marcos Jr., na mamuno, lalo pa’t kaliwa’t kanan ang problemang kakaharapin ng bansa sa mga susunod na taon dahil na rin sa pan­demya at sa pagdami ng utang ng Pilipinas.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with