Sa mga lugar na Alert Level 1 face to face classes sa kolehiyo aprub na

Students of Pedro Cruz Elementary School in San Juan City attend their first day of the limited face-to-face classes on Monday, December 06, 2021
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 100% capacity na face-to-face classes sa mga higher educational institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng pandemic Alert Level 1.

Ito ang inanunsiyo ni acting deputy presidential spokesperson Kris Ablan sa desisyon na nakapaloob sa IATF Resolution 164 na inilabas kahapon.

Subalit ang maaari lamang makiisa sa 100% capacity na face-to-face classes ay ang mga teaching, non-teaching personnel, at mga estudyante na kumpleto na ang bakuna.

Ang mga estudyante na hindi pa bakunado at mga hindi pa kumpleto ang bakuna sa Alert Level 1 ay maa­aring manatili sa flexible na online classes.

Wala ring ipatutupad na restriction sa operasyon ng mga HEI student dormitories basta’t mayroon itong clearance sa local government unit.

Ipinauubaya rin sa mga HEIs ang pagpili kung anong pamamaraan nang pagtuturo ang gagamitin basta’t magtutuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Show comments