MANILA, Philippines — Nasa 79,000 rehistradong mangingisda ang makakakuha ng fuel subsidy upang tulungan ang mga ito na maka-survive mula sa epekto ng kasalukuyang global economic setback na dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Agri-Industrialization and Fisheries Cheryl Marie Natividad-Caballero na 80,000 mangingisda ang makikinabang mula sa fuel subsidy program ng Department of Agriculture’s (DA).
Ang mga benepisaryo ay makatatanggap ng P3,000 kada isa sa pamamagitan ng Development Bank of the Philippines’ (DBP) discount cards na ipamamahagi via regional offices sa mga magsasaka at mangingisda na kasama sa talaan ng DA at sinasabing P500-milyong piso ang budget na inilaan sa fuel subsidy program.
Sa nasabing halaga, P492.5 milyong piso ang gagamitin para bayaran ang mga kompanya ng langis at fuel retailers na magpapartisipa sa programa at kukuha ng form na 30-percent discount para sa mga holder ng cash cards na ibibigay sa eligible participants.
Ang natitira namang P7.5 milyong piso ay mapupunta sa operational o administrative expenses.