P2.5 bilyong fuel subsidy sa PUV drivers ilalabas na
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Budget and Management na nakatakdang ilabas ng gobyerno ang P2.5 bilyon fuel subsidy para sa 377,000 drivers ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay DBM OIC Usec Tina Canda, na P5 bilyon ang kabuuang tulong na ilalaan sa mga tsuper kung saan ang kalahati o P2.5 bilyon ay ilalabas sa Abril at ang Department of Transportation (DOTr) ang nakatakdang mamahagi ng pondo.
Sinabi ni Canda na pumayag ang Economic Development Cluster na doblehin ang halaga ng fuel subsidy kung saan ang P2.5 bilyon ay ibinigay ngayong Marso at ang isa pang P2.5 bilyon ay sa susunod na buwan.
Nauna nang inihayag ni National Economic Development Authority (NEDA) Director General at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na itataas sa P5 bilyon ang fuel subsidy sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Inaasahan naman na P6,500 ang matatanggap ng bawat tsuper bilang fuel subsidy na posibleng ibigay sa kanila anumang araw.
- Latest