Nambabato ng ‘cancel’ ‘sa UniTeam, batuhin ng burger - Duterte
MANILA, Philippines — Mariing sinabi kahapon ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang mga supporters kapag binato ng cancel ay batuhin ng burger.
Sinabi ni Sara sa kanilang mga supporters na huwag gantihan ng galit ang mga nagsusulong ng cancel laban sa UniTeam nila ni BBM.
“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay,” ang ipinayo ni Sara sa kaibang bersiyon ng UniTeam.
Sa kaniyang mensahe sa pakikipagpulong sa mga miyembro ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Association (BATODA) sa Batasan Hills, Quezon City, tinalakay ng vice presidential bet ang “cancel culture” phenomenon at kung paano ito nakakaapekto sa mga naniniwala sa UniTeam.
“Huwag ho kayong pumayag na kayo ay batuhin ng cancel dahil po sa pangagampanya n’yo para kina Marcos-Duterte,” ayon kay Sara.
Ang UniTeam ay kinakatawan ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at running mate nitong si Duterte.
- Latest