DFA nag-utos ng mandatoryong paglikas sa mga Pinoy sa Ukraine

Ukrainian refugees walk a bridge at the buffer zone with the border with Poland in the border crossing of Zosin-Ustyluh, western Ukraine on March 6, 2022. Over 1.5 million refugees have fled Ukraine in the week since the invasion by Russian on February 24, 2022, with over half going to Poland, according to the UN refugee agency.
AFP / Daniel Leal

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis Alert Level 4 sa lahat ng lugar sa Ukraine at ipinag-utos ang mandatoryong paglilikas sa mga Pinoy sa patuloy na paglala ng tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

“Under Crisis Alert Level 4, the Philippine Government undertakes mandatory evacuation procedures at government expense,” ayon pa sa Philippine Embassy sa Warsaw, Poland.

Idinagdag pa nito na ang mga Pinoy sa Ukraine ay tutulungan ng Philippine Embassy sa Poland at ng Rapid Response Team, na siyang kasalukuyang tumutulong sa mga Pinoy para sa repatriation at relocation.

Siniguro naman ng DFA na patuloy na tututukan ang political at security developments sa Ukraine.

Show comments