^

Police Metro

Nilagdaang FIA ni Duterte magpapasigla sa negosyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang magiging sentro ng mga bagong pasimulang negosyo ng Pilipinas sa Southeast Asia ang paglagda at pagsasabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inamyendahang ‘Foreign Investments Act (FIA).

Ito ang inihayag ni House Committee on Ways and Means Chairman at 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na ikinagalak ang pagsasabatas sa FIA na  makakatulong ng malaki sa pagsulong ng bansa.

Sa ilalim ng amyendadong FIA, maaaring magtayo ng pasimulang negosyo sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan at dalhin nila ang kanilang mga eksperto na makapagtuturo rin ng kanilang kahusayan sa mga Pilipino at makatugon sa mga problema ng ilang sektor.

Si Salceda ang may-akda ng FIA bill sa Kamara na sinabing maaari itong maging sentro ng mga bagong pasimulang negosyo ang Pilipinas, lalo na sa mga negosyong teknolohiya na makatutugon sa mga hamon ng pagpapataas ng ani sa agrikultura, pananalapi, pangkalusugan at iba pang mahalagang sektor.

FOREIGN INVESTMENTS ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with