^

Police Metro

Lacson-Sotto suportado ang nuclear energy, iba pang malinis na power source

Pang-masa
Lacson-Sotto suportado ang nuclear energy, iba pang malinis na power source
This December 19, 2011 photo from Wikimedia Commons shows Bataan Nuclear Power Plant.
Wikimedia Commons shows Bataan Nuclear Power Plant.

MANILA, Philippines — Suportado nina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running-mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang paggamit ng iba’t ibang mapagkukunan ng enerhiya kabilang na ang nuclear energy upang makatulong sa pagbibi­gay ng malinis at murang kuryente sa bansa.

Sang-ayon sina Lacson at Sotto sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang nuclear power sa mga posibleng pagkunan ng enerhiya. Sa polisiyang ito, tinitiyak ang mapayapang paggamit ng nuclear technology na nakaangkla sa prinsipyo ng kaligtasan ng publiko, pambansang seguridad, pagkakaroon ng sariling enerhiya, at pagpapanatili sa kalikasan.

 “Alam niyo ba na ‘yung power sector, 57 percent (doon) ‘yung coal-fired. Napakamahal ng coal kasi nanggaga­ling pa sa Australia. Kasi ‘yung local coal natin dito hindi tama ‘yung Btu (British thermal unit), hindi sapat. Twenty-one percent renewable kasi nagpasa kami, nandoon pa si Senator Chiz ‘non, ipinasa namin ‘yung Renewable Energy Act”, pahayag ni Lacson.

Batay pa sa nasabing batas o ang Republic Act 9513, magkakaroon ng insentibo ang mga energy producer at kabilang na rito ang kawalan ng value added tax (VAT) sa loob ng ilang taon, tax holiday, lalo na sa solar, biomass, at geothermal power producers.

Idinagdag pa ni Lacson dapat talagang siguruhin ang kaligtasan ng paggamit ng nuclear ener­gy, lalo pa’t pang-apat ang Pilipinas sa pinakamahinang bansa sa epek­to ng climate change, ayon sa ulat ng United Nations Development Programme.

Natapos ang pagtatayo sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) noong 1986 ngunit hindi ito ginamit dahil sa sakunang nangyari sa Chernobyl at ang nangyaring People Power Revolution na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos na nag-utos sa pagtatayo nito simula noong 1976.

BATAAN NUCLEAR POWER PLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with