MMDA: Tayuan sa bus, sabit sa jeep, bawal

Ito ang naging babala ng MMDA sa mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at jeep kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
File

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nakatayong pasahero sa bus at pagsabit sa jeep.

Ito ang naging babala ng MMDA sa mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at jeep kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito ay sa kabila na pinapayagan na ang ‘full capa­city’ sa mga pampublikong sasakyan sa Alert Level 1.

“Hindi papayagan ‘yung tayuan dahil ang nakalagay po sa guidelines ng IATF ay full seating capacity, meaning yung kapasidad lang po ng sasakyan kung saan ang pasahero ay nakaupo,” ayon kay Artes.

Nakipag-ugnayan na umano sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol dito.

Hindi naman kasali sa panuntunan ang Metro Rail Transit at Light Rail Transit na isa ring uri ng pampublikong transportasyon.

Sinabi pa ni Artes na sa kasalukuyan ay maayos na ang pagpapatupad ng protocols sa mga pampublikong sasakyan dahil sa disiplinado na umano ang mga mananakay.

Show comments