^

Police Metro

Incumbent mayors, governors, solons nanguna sa survey

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangunguna sa latest survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang mga kasalukuyang nanunungkulan na tumatakbong muli ngayong nalalapit na halalan sa Mayo.

Tulad sa Quezon City, si Mayor Joy Belmonte pa rin ang No. 1 choice dahil sa mahusay na pamamahala na nakakuha ng 65% ng boto habang 32% naman kay Cong. Mike Defensor sa karera para sa alkalde ng lungsod. Tumaas pa ng 3% ang score ni Belmonte, habang-2% naman ang ibinaba ni Defensor.

Sa Ilocos Sur, si Mayor Eric Singson ng Candon City naman ang top choice ng mga botante para sa local chief executive position na may napakataas na 92% kumpara kay Aris Valdez na may 7% lamang.

Sa Negros Oriental, si Cong. Manuel “Chiqui­ting” Sagarbarria naman ang namamayagpag sa District 2 at nakakuha ng 70% na supporta laban kay dating Cong. George Arnaiz na may 25%.

Sa Province of Cebu, kumbinsido ang mga botante na ihalal muli si Gov. Gwen Garcia kaya nagtala ng mataas na 78% points kumpara kay dating Tourism Sec. Ace Durano na kamakailan lang ay convicted sa Sandiganbayan sa kasong katiwalian kaya nakakuha lang ng 15%.

Sa Cebu City, leading naman si City Councilor Tumulak na nakakuha ng 38% score para sa mayor laban kay Mayor Mike Rama na suportado ng 30% ng mga botante at sinundan ng asawa ni dating Mayor Tommy Osmeña na si Margot Osmeña na may 25%.

Sa Zamboanga del Norte, si re-electionist Mayor Darel Uy naman ang preferred choice na may 73% voters support na ang katunggaling si ex- Sibugay Gov. Rommel Jalosjos na tumatakbo sa pagkamayor ng Dipolog City ay may 17% score lamang.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with