MANILA, Philippines — Kinukonsidera ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtatanggal na sa plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimyento bilang bahagi ng COVID-19 protocols ng mga negosyante.
“Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga acylic barriers,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
“Pwede na tanggalin ‘yan, ipo-propose natin sa IATF [Inter-Agency Task Force],” ayon sa Kalihim.
Aniya, ang Omicron variant ay airborne, maaari nang tanggalin ang mga plastic barriers, idagdag pa na mga tao sa loob ng mga establisimyento ay dapat lamang na sundin at gawin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, at hand-washing at sanitizing.