Ginang na nakulong sa droga, itinumba
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 52-anyos na ginang na suma-sideline na labandera at dating nakulong sa kasong ilegal na droga ang pinagbabaril ng dalawang lalaki sa labas ng bahay ng kanyang kapatid sa, Brgy. Payatas, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Erma Martinez, ng Barangay Payatas, Quezon City habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang dalawang lalaking itinuturong responsable sa krimen.
Sa ulat, pasado alas-11:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa labas ng bahay ng kapatid ng biktima na si Jocelyn.
Sa salaysay ni Jocelyn, nagtungo sa kanyang bahay ang kanyang kapatid at nanghihiram ng charger ng radyo at pagtalikod ay bigla na lamang siyang nakarinig ng tatlong putok ng baril at nakitang nakabulagta ang kapatid.
Sa imbestigasyon ng mga pulis na si Martinez ay dati nang nakulong kaugnay sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
- Latest