May-ari ng printing press, 2 tauhan inaresto sa pekeng vax card
MANILA, Philippines — Tatlong indibidwal kabilang ang may-ari ng isang printing press ang inaresto dahil sa paggawa ng pekeng vaccine card sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Rafael Cayabyab, 41, may-ari ng Lakay Printing Services na matatagpuan sa 314 Quezon Boulevard, Barangay 353, Quiapo; Ricardo Lugtu, 25, binata, isang Graphic Artist; at helper na si Samil Asmadi, 23, may-asawa.
Sa ulat ng MPD- Barbosa Police Station 14, alas-7:20 ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation hinggil sa natanggap nilang info txt.
Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang nag-text sa “ireport mo kay tsip hotline” na “May Info po ako na gumagawa ng mga pekeng vaccine card, ang dami pong nagpapagawa sa kanila sa Marantao Lodge sa Globo De Oro St., positive po yan Sir”. bahagi ng sumbong ng citizen.
Nagpanggap namang magpapagawa ng vaccine card si P/ Cpl. Rolly Mendaño sa ID na nagkakahalaga ng P500 kung saan naaresto ang mga suspek sa Marantao lodge sa Globo De Oro St., Quiapo.
Nakumpiska ang mga pekeng ID o vaccine card na pangunahing hinahanap sa public transport, malls at iba pa.
- Latest