MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si vice presidential aspirant Dr. Willie Ong.
Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Ong na ang kanyang specimen sa nasal at oral swab ay positibo via antigen test.
“Medyo bad news. Tinamaan tayo ngayon [ng COVID-19]. Wala na akong boses… Almost mga day two po ako ngayon ng COVID. Positive tayo sa swab antigen.”
“Actually, maingat naman talaga ako. Lagi akong naka-N95 [mask] always ‘pag lumalabas pero parang matindi talaga ‘tong Omicron, matindi siya pumasok,” dagdag pa nito.
Sinabi pa nito na ang Omicron ay hindi mild at kalokohan ang nababasa Google, dahil mas matindi ito kaysa flu.
Mas mahirap umano sa Omicron ang pabalik-balik na sintomas nito. Iyong inaakala niya na nakarekober na siya ng isang araw ngunit bigla muling bumabalik ang sintomas, dahilan para lalong manghina ang isang pasyente.