6 na ang patay sa Caloocan City Jail riot

MANILA, Philippines — Pumalo na sa anim na preso ang namatay habang nasa 33 ang nasugatan matapos na sumiklab ang riot sa Caloocan City Jail kamakalawa ng  hapon sa pagitan ng Commando at Sputnik Gang.

Ang mga nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa kanilang katawan ay kinilalang sina Joel Andrino; Joe Santaguda; Arturo Bihasa, 60; Handa Omas, 35, kapwa mga miyembro ng Commando Gang; Sherwin Perez, 52; at John Patrick Chico, 21, kapwa mga miyembro ng Sputnik Gang.

Kasabay nito sinibak naman sa puwesto si Caloocan City Jail warden Supt. Neil Subibi dahil sa command responsibility na pinalitan ni Jail Supt. Lloyd Gonzaga.

Magugunita, alas-3:30 ng hapon nang maganap ang riot ng nasabing dalawang gang sa loob ng jail compound sa Tanigue Street, Dagat-Dagatan Avenue dahil lang sa pikunan sa sugal na cara y cruz.

Show comments