4 patay sa Caloocan City jail riot

Ang nakabulagtang bangkay ng apat na preso matapos na mapatay sa riot sa Caloocan City Jail.

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat na preso habang 30 ang nasugatan matapos na magkaroon ng riot ang magkalabang gang sa Caloocan City Jail, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arturo Bia­sa at Hans Omar, kapwa miyembro ng Commando Gang;Sherwin Perez; at John Patrick Chicko kapwa miyembro ng Sputnik Gang.

Sa sketchy report na pinadala ni Caloocan  City Police chief Col. Samuel  Mina, naganap ang riot ng magkalabang gang, dakong alas-3:30 ng hapon na kung saan ay pawang armado ang mga ito ng matutulis na bagay at nagsaksakan.

Lumilitaw sa imbestigasyon nina P/SMS A. Belledo at P/Cpl Anthony C Wanawan na nagkaroon ng alitan ang dalawang grupo habang naglalaro ng cara y cruz.

Tinangka ng mga jailguards na awatin ang dalawang grupo, subalit naging mabilis ang pangyayari at nakitang bumulagta ang apat na preso.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

Show comments