MANILA, Philippines — Nakatakdang magsagawa ng crackdown ang pulisya laban sa tiwaling negosyante na sangkot sa hoarding ng Paracetamol at iba pang gamot.
Ito ang kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos sa mga operating units nito ang pagsasagawa ng crackdown upang matukoy at maaresto ang mga tiwaling negosyante na sangkot sa hoarding at iba pang illegal na gawain sa pagbebenta ng mga kinakailangang gamot tulad ng Paracetamol sa gitna na rin ng pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Ginawa ni Carlos ang pahayag sa gitna na rin ng pagkakaubusan ng paracetamol tulad ng Biogesic, Bioflu, Neozep, Decolgen, Nafarin-A , mga gamot sa ubo at iba pa na kailangan sa sintomas ng COVID 19 gayundin sa bagong Omicron variant ng virus.
Sinabi ni Carlos na sinuman ang lumabag dito ay mahaharap sa kasong kriminal alinsunod sa itinatadhana ng regulasyon ng FDA na pinalala pa ng kasalukuyang state of national health emergency.