MANILA, Philippines — Upang mapigilan na umabot pa sa nakakaalarmang level ay ipinag-utos ng Malacañang sa local government units (LGUs) na magpatupad ng granular o localized lockdowns sa mga lugar na may mataaas na kaso ng COVID-19.
Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, parehong nag-aalala sina Pangulong Duterte at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tungkol sa surge infections.
Kaya’t kailangan paigtingin ng LGUs ang kanilang pagsisikap na makontrol ang galaw ng mga tao dahil ito ay kanilang responsibilidad na magpatupad ng granular lockdowns lalo na sa mga lugar kung saan mayroong “clustering cases”.
Ang granular lockdowns ay maaari umanong ipatupad sa household level, street level, district level, community o barangay level.
Hindi na umano kailangan pang hayaan lumaki ang bilang ng kaso ngayon kaya paalala ni Nograles sa publiko na ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 ay responsibilidad din ng lahat.
Dapat pa rin umanong ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng masks, hugas, iwas plus bakuna o apat dapat.