^

Police Metro

Malacañang sa LGUs granular lockdown ipatupad sa mga lugar na mataas ang COVID-19 case

Gemma Garcia - Pang-masa
Malacañang sa LGUs granular lockdown ipatupad sa mga lugar na mataas ang COVID-19 case
Authorities monitor Brgy. 177 in Caloocan City which is placed under granular lockdown due to COVID-19 cases on Sept. 6, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Upang mapigilan na umabot pa sa nakakaalarmang level ay ipinag-utos ng Malacañang sa local government units (LGUs) na magpatupad ng granular o localized lockdowns sa mga lugar na may mataaas na kaso ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, parehong nag-aalala sina Pangulong Duterte at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tungkol sa surge infections.

Kaya’t kailangan pa­igtingin ng LGUs ang kanilang pagsisikap na makontrol ang galaw ng mga tao dahil ito ay kanilang responsibilidad na magpatupad ng granular lockdowns lalo na sa mga lugar kung saan mayroong “clustering cases”.

Ang granular lockdowns ay maaari uma­nong ipatupad sa household level, street level, district level, community o barangay level.

Hindi na umano kailangan pang hayaan lumaki ang bilang ng kaso ngayon kaya paalala ni Nograles sa publiko na ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 ay res­ponsibilidad din ng lahat.

Dapat pa rin umanong ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng masks, hugas, iwas plus bakuna o apat dapat.

COVID-19

GRANULAR LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with