Libreng sakay sa MRT-3 sa Rizal Day

Ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga pasahero mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM sa nasabing petsa.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kasabay nang paggunita sa Rizal Day sa Disyembre 30 may handog na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga train commuters.

Ayon sa MRT-3, ito’y bilang pakikiisa nila sa paggunita at pag-alala ng buong bansa sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

Ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga pasahero mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM sa nasabing petsa.

Upang mapanatili namang ligtas ang biyahe ng mga pasahero, mahigpit pa ring ipinatutupad ang COVID-19 health and safety protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal kumain, uminom, makipag-usap sa telepono, at magsalita sa loob ng mga tren. Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield.

Show comments