^

Police Metro

Suplay ng kuryente sa mga lugar na binagyo ni ‘Odette’ ok na sa Pebrero

Angie dela Cruz - Pang-masa
Suplay ng kuryente sa mga lugar na binagyo ni ‘Odette’ ok na sa Pebrero
Residents attend a dawn mass without electricity at a church in Surigao City, Surigao del Norte province on December 18, 2021, days after Super Typhoon Rai passed over the city.
AFP / Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — ‘Fully-restored’ na umano ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Pebrero.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal kaya’t ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maibalik  na ito.

Anya, target sana ng gobyerno na sa Enero mai-restore na ang linya ng mga kuryente, subalit hindi ito makakaya sa susunod na buwan na ito mangyayari.

“Yan po ang ano pinapakita sa scenario, aabot ang February bago makabalik ang serbisyo. Ang dinig ko sa lalong madaling panahon ma­kabalik ang serbisyo para bago dumating ang bagong taon o sa Enero pa lang ma-enjoy ng kababayan natin ang serbisyo ng kuryente,” ani Timbal.

Bukod sa pagbabalik ng power supply, prayoridad din ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga bahay  na kailangan bago kabitan ng  kuryente.

Sa datos ng NDRRMC, nasa 150 na mula sa 269 cities and municipalities ang naibalik na ang power supply.

KURYENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with