Selebrasyon ng Christmas eve, generally peaceful - PNP
MANILA, Philippines — Naging mapayapa ang pangkalahatang selebrasyon sa pagsalubong ng Pasko.
Ito ang pagtaya ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng idinaos na Christmas eve.
Sinabi ni PNP chief P/Dionardo Carlos naging maayos ang “peace and order” sa selebrasyon ng pagsalubong ng Pasko sa buong bansa.
Ayon kay Carlos sa taong ito, natutunan ng PNP na harapin ang hamon sa pagbibigay seguridad sa mga matataong lugar at maging sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Partikular dito, ayon sa PNP chief ay dahil medyo nagluwag na sa health at safety protocols kumpara noong 2020 kung saan isinailalim sa lockdown ang mayorya ng lugar sa Pilipinas upang hindi magkahawaan sa COVID-19.
Samantala, marami rin aniya sa mga Local Government Units (LGUs) ang inalis na ang liquior ban, pinaikli ang curfew habang tinanggal ang mga quarantine checkpoints nang ibaba na sa Alert level 2 ang status sa COVID-19 sa buong bansa.
Pinasalamatan din nito ang mga LGUs na lubhang tinamaan ng bagyong Odette sa inisyatibang pagpapatupad ng total ban sa mga paputok dahil mas nangangailangan ang mga ito ng kuryente at supply ng tubig.
- Latest