^

Police Metro

Sakit sa puso, cancer nangungunang sanhi ng kamatayan ng Pinoy

Angie dela Cruz - Pang-masa
Sakit sa puso, cancer nangungunang sanhi ng kamatayan ng Pinoy
Ayon sa PSA, ang Ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases, at cancer ang Top 3 at hindi ito nagbago sa katulad na panahon noong nakaraang taong 2020.
The Medical City Clark/Released

MANILA, Philippines — Batay sa ulat ng Phi­lippine Statistics Autho­rity (PSA) mula Enero hanggang Setyembre ay nangungunang sanhi ng kamatayan ng Pinoy ay sakit sa puso at cancer.

Ayon sa PSA, ang Ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases, at cancer ang Top 3 at hindi ito nagbago sa katulad na panahon noong nakaraang taong 2020.

Sa unang siyam na buwan ng taon, 91,152 ang namatay sa bansa dahil sa ischemic heart diseases o 18.5 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga namatay.

Ang bilang ay tumaas ng 18.7 porsiyento mula sa 76,782 o 16.9 porsiyento ng kabuuang bilang ng nasawi noong Enero hanggang Setyembre 2020.

Samantala, tumaas naman ng 3.6 porsiyento ang mga namatay bunga ng cerebrovascular diseases, 49,063 (9.9%) mula sa 47,355 noong 2020.

May 42,633 naman ang namatay dahil sa iba’t ibang uri ng cancer. Ang COVID-19 naman ang pang-apat, sa bilang na 34,361 namatay, mula sa 6,042 noong nakaraang taon.

Pang-limang pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa ay diabetes, na ikinamatay na ng 32,057.

HEART ATTACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with