Shortage sa itlog ng manok, nakaamba – DA
MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng shortage o kakulangan sa supply ng itlog ng manok sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), dulot ito sa patuloy na pagmahal ng halaga ng patuka sa manok na posibleng magiging ugat ng kakulangan sa suplay ng itlog.
Dahil dito, sinabi ni Agricultue Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes na inaasahan na ng ahensiya na magkakaroon ng paghihigpit sa suplay ng itlog dulot ng tumataas na halaga ng patuka ng manok sa merkado.
Sinasabing tumaas ang presyo ng mais para sa chicken feed mula P14 hanggang P22 kada kilo at maging ang presyo ng soybean ay tumaas din ng hanggang P55 kada kilo.
Samantala, sinabi rin ni Reyes na sapat naman ang suplay ng lowland at highland vegetables ngayong holiday season kaya’t walang dahilan na tumaas din ang presyo ng mga gulay sa bansa ngayong Kapaskuhan.
- Latest