^

Police Metro

181.5K pamilya apektado ng bagyong Odette

Doris Franche - Pang-masa
181.5K pamilya apektado ng bagyong Odette
Nagkakarga ang mga miyembro ng Phil. Coast Guard (PCG) ng nasa 70 tonelada ng relief goods sa BRP Gabriela Silang para dalhin sa Siargao na umano ay labis na naapektuhan ng bagyong Odette.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 181,500 pamilya na nakatira sa 2,209 mga barangay ang apektado ng pananalanta ng bagyong Odette.

Ito ang inanunsyo kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa Mimaropa, Regions 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 8 (Eastern Visayas), 10 (Northern Mindanao), 11 (Davao), 12 (Soccsksargen), 13 (Caraga), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) ang mga naturang barangay.

Dagdag nito, nananatili ang 107,816 pamilya o 427,903 indibidwal sa 2,861 evacuation centers habang ang iba naman ay nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan.

Sinabi pa ng NDRRMC na 135 lugar sa Mimaropa, Regions 7, 8, 10, at BARMM ang nakararanas ng problema sa linya ng komunikasyon.

Nag-iwan ang “Odette” ng 3,612 partially damaged at 171 totally damaged na mga tahanan sa Mimaropa, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, at BARMM.  

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with