MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tularan ang kabayanihan ni Andres Bonifacio at mag-ambag sa nation building lalo na ngayong nahaharap sa maraming pagsubok ang bansa.
Ito ang isa sa laman ng talumpati kahapon ni Duterte sa paggunita ng ika-158 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.
Sinabi rin ni Duterte na dapat gayahin ng mga kabataan ang pagmamahal ni Bonifacio sa bayan kahit pa sa pinakasimpleng paraan.
“In this light, I call on our kababayans to emulate Gat Andres Bonifacio’s strong sense of civic duty, courage, love of country in our daily lives even in the simplest ways,” ani Duterte.
Binati rin ni Duterte ang gobyerno ng San Juan dahil sa matagumpay na pangunguna sa selebrasyon ng kaarawan ni Bonifacio ngayong taon.
Pinasalamatan din ni Duterte ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) dahil sa restoration at rehabilitation ng mga historical at cultural landmarks na magpapakita sa mga bagong henerasyon nang makulay na kasaysayan ng bansa.