BBM ‘spoiled, weak leader’ – Duterte
MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang “spoiled” at “weak leader”.
Ito ang naging sagot ni Duterte nang tanungin ng local Mindoro lider kung may alyansa sa pagitan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng Lakas-CMD party at PDP-Laban at PDDS na kung siya ay miyembro nito.
“No. I cannot because nand’yan si Marcos. Hindi ako bilib sa kaniya. He’s really a weak leader,” wika ni Duterte.
Si Marcos Jr., na kapangalan ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos, ay running mate ni Duterte-Carpio.
“Hindi ako naninira ng tao, talagang weak kasi spoiled child, only son. Of course he can talk, he delivers English articulate[ly], ang aral kasi kung saan-saan sa labas. Pero kung sabihin mo na may crisis, he’s a weak leader at saka may bagahe siya,” dagdag pa ni Duterte.
Hindi naman nagbigay ng komento ang kampo ni Marcos sa birada ni Pangulong Duterte.
Nabatid na ang pamilya Marcos at Duterte ay magkaibigan dahil sa nagsilbing gabinete ang ama ni Pangulong Duterte kay Ferdinand Marcos at noong 2016, ay pinayagan nitong mailibing sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng maraming protesta.
- Latest