^

Police Metro

Metro Manila mayors ipinaubaya sa IATF ang guidelines sa minors na papasok sa mall

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa walang nabuong desisyon ang 17 mayor ng Metro Manila kaya’t mananatili pa rin ang isinasaad sa Alert ­Level 2 kung  saan  pwedeng pumasok ang mga menor de edad sa malls sa National Capital Region (NCR).

Kaya naman ay ibinalik  ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases  ang pagbuo ng guidelines sa mobility restrictions ng mga batang mas mababa sa 12-anyos.

Ito ang naging paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos para hindi muna magkaroon ng kalituhan habang pinag-uusapan pa ang isyu.

Masyado umanong sensitibo ang usapin at mas karapat-dapat na ang IATF ang magpasiya dahil kinakailangan ang ‘scientific’ at ‘empirical data’ maging ang mga health, epidemiological at ­pediatric experts.

Ipinakita rin ni Abalos ang MMC-MMDA Resolution No. 21-29 na nag-eendorso sa IATF sa nasabing isyu.

IATF

MALLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with