^

Police Metro

Marcos isusulong na palakasin ang agrikultura

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos isusulong na palakasin ang agrikultura
Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ang kanyang plano ay mamumuhunan ng malaki sa pananaliksik at paggawa ng mga programang tiyak na makakatulong sa mga magsasaka hanggang makatapos sila sa pag-aani. Idinagdag pa ni Marcos, ang bawat programa ay makakatulong sa bawat isa na siyang magreresulta sa masagana at masiglang sektor ng agrikultura.
Andy G. Zapata Jr., file

MANILA, Philippines — Nais umanong isulong ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na isulong ang isang ‘buohang paglapat ng sistema’ na magpapalakas sa sektor ng agrikultura ng bansa. Sinabi ni Marcos na kanyang nakikita ang pangangailang mas mapaunlad ang sistema ng agrikultura upang mas lalong makapagbigay ang gobyerno ng magandang buhay sa mga magsasaka na lubusang naapektuhan ng pandemya.

Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ang kanyang plano ay mamumuhunan ng malaki sa pananaliksik at paggawa ng mga programang tiyak na makakatulong sa mga magsasaka hanggang makatapos sila sa pag-aani. Idinagdag pa ni Marcos, ang bawat programa ay makakatulong sa bawat isa na siyang magreresulta sa masagana at masiglang sektor ng agrikultura.

“Malaking sistema ang agrikultura at kailangan natin buuin ulit yan para maging mas maganda ang buhay ng ating mga farmer. Ang tulong na mabibigay ng gobyerno ay magbuo ng sistema gaya ng meron tayo noon,” ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas. 

AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with