Mandato ng PNP na ‘to protect and to serve’ nawawala na
MANILA, Philippines — Nawawala na umano ang mandato ng Philippine National Police (PNP) na “to protect and to serve” kaya dapat na muling bumalik sa basic tulad ng pagpapatrulya, pag-iimbestiga at agarang pagresponde sa taumbayan.
Ito ang sinabi ng bagong PNP Director for Operations chief na si PBGen Valeriano De Leon.
“Napapansin kasi natin na puro public relations o PR na lang ang ginagawa ng ilang mga tauhan natin sa halip na gawin ang mandato nila na ‘To protect and to serve,’” ani De Leon.
Ayon pa kay De Leon na hindi mababago ang imahe ng PNP sa puro press release o panay ang interbyu sa radyo at labas sa telebisyon. Ang mahalaga ay ginagawa ang tungkulin.
Anya, kapag nakita o naramdaman ng mga tao na safe sila at nariyan ang mga pulis sa oras ng kanilang pangangailangan ay manunumbalik muli ang tiwala ng taumbayan.
- Latest