MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga anti-smuggling operatives ng Bureau of Customs (BOC) at mga partner law enforcement agencies ang mga puslit na broccoli, carrots at pulang sibuyas na umaabot sa P4.72 milyon sa isang bodega sa Malabon City noong Nobyembre 11.
Ang BOC team, sa pamumuno ni Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port (MICP), ay umaksiyon sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. “Our mandate has always been to clear our ports of all kinds of smuggling. Recently, we’ve been getting information about smuggled fruits and vegetables, which we have been acting upon diligently,” ani Enciso.
Ang grupo ay nagtungo sa nasabing bodega sa Catmon, Malabon City matapos na mailabas ang LOA at MO na kung saan nadiskubre ang pitong reefer vans na ginagamit bilang temporaty cold storage.
Sa pitong van, tatlo ang naglalaman ng smuggled broccoli, carrots, red onions, at iba pang imported products habang wala namang laman ang apat na iba pa.
Nilagyan ng grupo ng temporary seals at padlocks ang mga warehouse upang i-secure ito at nakatakda na ring magsagawa ng inventory sa mga goods ang customs examiner na sasaksihan ng CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), at PCG.