Taas-singil ng ­kuryente asahan ngayong ­Nobyembre

Ayon sa Meralco, may dagdag na P65 sa bayarin sa singil sa kuryente ang isang bahay na nakonsumo ng 200 per kilowatt hour sa isang buwan, may P98 dagdag bayad sa household na nakakonsumo ng 300 per KWH, dagdag P130 sa nakakonsumo ng 400 per kilowatt hour at dagdag P163 sa household na nakonsumo ng 500 per kilowatt hour ngayong buwan.
AFP

MANILA, Philippines — Dahil umano sa pagtaas ng overall rates ngayong buwan ay asahan na ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong November billing.

Ayon sa Meralco, may dagdag na P65 sa bayarin sa singil sa kuryente ang isang bahay na nakonsumo ng 200 per kilowatt hour sa isang buwan, may P98 dagdag bayad sa household na nakakonsumo ng 300 per KWH, dagdag P130 sa nakakonsumo ng 400 per kilowatt hour at dagdag P163 sa household na nakonsumo ng 500 per kilowatt hour ngayong buwan.

Nilinaw ng Meralco na ang overall rate ngayong Nobyembre ay umabot sa P9.4630 per kWh, mataas ng P0.3256 per kWh kumpara noong nagdaang buwan ng Oktubre na apektado ng mataas na  generation charges.

Sinabi ng Meralco na ang isang dahilan ng pagtaas ng singil sa ­kuryente ay ang pansamantalang pag-shut down ng Malampaya na nagbunga ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa  wholesale electricity spot market (WESM) at nagpataas sa singil na naipatutupad ng independent power producers (IPPs).

 

Show comments