^

Police Metro

Sara ‘di na tatakbong mayor ng Davao City

Malou Escudero - Pang-masa
Sara �di na tatakbong mayor ng Davao City
“Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-Bise Alkalde. Ito lamang po muna. Mara­ming salamat po,” pahayag ni Duterte-Carpio.
Sara Duterte-Carpio

MANILA, Philippines —Inanunsyo kahapon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod ilang araw bago ang deadline para sa substitution ng mga kandidatong tatakbo sa eleksiyon sa 2022.

Sinabi ni Sara na papalit na tatakbo sa pagka-alkalde ay si incumbent Vice Mayor Baste Duterte.

“Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-Bise Alkalde. Ito lamang po muna. Mara­ming salamat po,” pahayag ni Duterte-Carpio.

Matatandaan na bago nito, inanunsyo rin ni Baste na iniurong niya rin ang kanyang reelection bid sa pagkabise-alkalde ng Davao City.

Ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Baste na si Paolo “Pulong” Duterte ay tumatakbo muli bilang Kongresista ng lungsod ng Davao habang ang kanilang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ay itinutulak ng mga kapartido nito sa PDP –Laban Cusi faction na kumandidatong Senador.

Marami ang nag-aabang sa posibleng tambalan nina Duterte-Carpio at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos. - Joy Cantos

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->