Quezon City Mayor Joy Belmonte ikinatuwa ang todo-suporta ng distrito uno
MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang suporta ng Isang Samahang Aasahan (ISA) at nangakong susuklian pa rin ng tapat at mahusay na pamamahala kung mabibigyan siyang muli ng mandato bilang alkalde ng lungsod na magiging pangalawa niyang termino sa serbisyo publiko. Umaabot sa 70 organisasyon mula sa Distrito Uno ang pinag-isang samahan na kinabibilangan ng iba’t ibang sektor gaya ng neighborhood association, senior citizens, kabataan, LGBT, transportation, at mga manininda.
Ang ISA ay noon pang 2009 naitatag at itinuturing na malaking “influential group” sa panahon ng bawat halalan sa District 1.
Si Jaime Espina ng Barangay Del Monte, namumuno sa Tagumpay ng PIMAGFLOW (Pinagpalang Magkakapitbahay ng Florencia West) at co-founder ng ISA, ang nagsabing “nakakasa na ang suporta” ng kanilang samahan para sa tambalang muli nina Mayor Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.
Sa pagka-kongresista naman ay ibubuhos ng ISA ang kanilang suporta sa kandidatura ni Arjo Atayde (AA) para “maging Congressman ng Distrito Uno.” Dagdag pa ni Espina, ang buong ‘Aksiyon Agad’ team na pinangungunahan ni Atayde at anim nilang kandidatong konsehal gaya ni Bernard Herrera, Charm Ferrer, Tani Joe “TJ” Calalay, Doray Delarmente, Olie Belmonte at Sep Juico ang siguradong isusulat ng kanilang grupo sa mga balota sa Halalan sa Mayo 2022.
- Latest