Pinoy na walang trabaho umabot sa 4.25 milyon - PSA

Commuters queue for the carousel bus in Monumento, Caloocan on Nov. 2, 2021 as workers are back for work after the long weekend brought by All Saints' Day and All Souls' Day.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ayon sa pinakahuling Labor Force Survey na inilabas kahapon ng Philippine Statistics Authority na tumaas pa ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Setyembre.

Umabot ang antas ng walang trabaho sa Pilipinas sa 8.9 percent sa nasabing buwan, o katumbas ng 4.25 milyong Pinoy na walang trabaho.

Mas mataas kumpara sa 8.1 percent na naitala noong Agosto.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ngayong buwan ang may pinakamataas na bilang ng mga Pinoy na walang  trabaho pero maaari anyang ito ay seasonal lamang dahil ang buwan na ito ay panahon ng anihan na mababa ang trabaho sa agri sector at dulot ng kalamidad.

Idinagdag pa ng PSA na umabot naman sa 6.18 mil­yon ang underemployment noon ding Setyembre. Mas mababa naman ito kumpara sa 6.48 milyon na naitala noong Agosto.

 

Show comments