Presyo ng LPG, posibleng tumaas sa lagpas P1K kada tangke sa Nobyembre
MANILA, Philippines — Sanhi ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo na nasa siyam na beses na taas-presyo ay nakaambang tumaas din sa lagpas P1,000 kada tangke ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Nobyembre ng taong ito.
Ito ang sinabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, kung hindi ito aaksyunan ng pamahalaan ay dagdag na pasakit sa pamilyang Pilipino na gumagamit ng LPG na siyang pangunahing pangangailangan sa pagluluto ng pagkain.
Sa kasalukuyan ay nasa P 898.00 na ang presyo ng LPG na ayon kay Brosas ay hindi nakapagtatakang magtaas presyo na lagpas P 1,000 sa susunod na buwan.
Binigyang diin nito na maging sa mga palengke ay nagtaas presyo na rin ang mga karne tulad ng baboy, manok, isda, mga gulay at iba pa.
- Latest