P600 milyong ‘smuggled goods’ nasabat ng BOC sa Cavite warehouse

MANILA, Philippines — Umaabot sa P500-P600 milyong “smuggled goods” ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa isang malaking warehouse sa 9172 Antero Soriano Highway, Barangay Mulawin, Tanza, Cavite.

Kasama sa operasyon ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG).

Armado ng Letter of Authority (LOA) mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guevarra, natuklasan amg mga damit, sapatos, bags, at sandals ng mga internasyunal na brands; Chinese iced tea, beers at sodas; at medical grade face masks.

Tinukoy ni Guevarra ang mga nasa likod ng distribusyon ng smuggled na produkto na sina Chinese Nationals  Anna Ty at Willy Zhang.

Patuloy ang imbestigasyon ukol sa naturang mga iligal na produkto habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 1114 ng RA10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa mga nasa sangkot dito. ­- Cristina ­Timbang

Show comments