Pagbukas ng BIA, hudyat ng mabilis na pagsulong ng Albay
MANILA, Philippines — Magiging mabilis na ang pagsulong ng ekonomiya sa lalawigan ng Albay matapos ang pagbubukas ng kamakailan ng bagong Bicol International Airport (BIA).
Ayon kay House Ways and Means Committee chairman at Albay2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pasinaya sa paunang gamit ng BIA at ika-7 naman ng Nobyembre ay pasisimulana na ang paglipad ng eroplano.
Habang sa Mayo 2022 ay pasisimulan ang ‘international operations’ nito pagkatapos makumpleto ang pagsusuri ng International Civil Aviation Organization.
“Magsisilbng pinakamalakas na tulak ang BIA sa amin tungo sa higit na masiglang ekonomiya. Maluwag nitong matatanggap ang 3,000 pasahero, kumpara sa 600 lamang sa Legazpi Domestic Airport.
Tinatayang mga dalawang milyong pasahero ang maseserbisyuhan ng BIA sa loob ng isang taon, na marami ay mga dayuhan,” wika ni Salceda.
- Latest