Bagon ng MRT-3 nasunog: 8 pasahero nasugatan
MANILA, Philippines — Nasugatan ang walong pasahero, na kinabibilangan ng apat na babae at apat na lalaki, nang sumiklab ang apoy sa isang bumibiyaheng bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa pagitan ng Buendia Station at Guadalupe station, sa EDSA, bahagi ng Makati City kamakalawa ng gabi.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3, alas-9:12 ng gabi nang maganap ang sunog at nagtamo ng minor injuries ang walong pasahero matapos na tumalon sa riles ng tren para makaiwas sa apoy.
Matapos ang insidente ay nagpatupad na ng provisional service o limitadong biyahe ang MRT- 3 mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station na lamang.
Naibalik na lamang sa normal ang biyahe ng mga tren ng MRT-3 nitong kahapon ng umaga.
Naglabas na rin ng pahayag ang Sumitomo Corporation, na siyang maintenance provider ng MRT-3, na masusi na nilang iniimbestigahan ang pangyayari upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.
- Latest