Mula NCR papuntang GCQ, MGCQ areas…
MANILA, Philippines — Pinayagan na ang paglalakbay ng mga menor de edad at maging ang seniors na fully vaccinated na mula Metro Manila sa point-to-point interzonal travel sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) and modified GCQ.
Ito ay makaraang palawigin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang listahan ng mga papayagan sa interzonal travel sa GCQ at MGCQ areas.
Kasama na rito ang mga sumusunod:mga nasa edad 18-anyos pababa; fully vaccinated individuals na nasa edad 65; fully vaccinated individuals na may comorbidities o iba pang health risks; at fully vaccinated na buntis.
Ang lahat ay kakailanganing sumailalim sa health at exposure screening protocol sa kanilang pagdating sa pupuntahan.