^

Police Metro

Chinese medical supplier tugis sa estafa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa dalawang Chinese na may-ari ng medical supply.

Naghain ang Phi­lippine Veterans Bank noong 2019 ng kasong estafa laban kina Jimmy M. Hao at Jamie Sheila S. Hao President Vice President ng MEIHAO Corporation sa Biñan, Laguna na nagsu-supply ng medical equipment.

Ito umano ay lumalabag sa Article 315 par. 1 (b) of the Revised Penal Code kaugnay sa Presidential Decree No. 115 o Trust Receipts Law.

Sa reklamo na isi­nampa sa Office of the City Prosecutor ng Makati, nabanggit na ang korporasyon ay nag-aplay at binigyan ng mga pasilidad ng credit ng bangko na may credit limit faci­lity na P110 milyon.

Nabanggit sa reklamo na sa iba’t ibang okasyon, ginamit ng akusado ang pasilidad at nagpatupad ng mga resibo ng pagtitiwala na pabor sa bangko.

Nakasaad dito na si­mula Marso 22, 2019, bigo na ang Meihao na gawin ang obligasyon na i-turn-over ang mga kinita nito sa bangko.

Dahil dito, inatasan ang bangko na tawagan ang mga Meihao at akusado na bayaran ang halagang P122.9 milyon kasama ang mga interes.

Ngunit bigo ang bangko na makuha ito sa dalawang Chinese na negosyante.

MEDICAL SUPPLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with