^

Police Metro

Topaz Road sa Ortigas, nagbitak

Mer Layson - Pang-masa
Topaz Road sa Ortigas, nagbitak
Ang bitak na kalsada sa kahabaan ng Topaz Road, Barangay San Antonio, Pasig City na nangyari kamakalawa ng gabi at posibleng dahilan ay ang pag-guho ng lupa sa ilalim dahil umano sa walang tigil na buhos ng ulan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng mahabang bitak ang Topaz Road sa Brgy. San Antonio, Ortigas Center sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Pasig City Disaster and Risk Res­ponse, nabatid na alas-6:00 ng gabi, matapos ang malakas na pag-ulan, nang maipagbigay-alam sa kanila ang biglang pagbitak ng kalsada sa Topaz Road.

Ang naturang bitak ay may haba umanong hanggang 70 metro at matatagpuan sa pagitan ng isang condominium building at isang construction site.

Kaagad namang ru­mesponde ang mga otoridad at kinordonan ang lugar at nilagyan ng ma­laking tarpaulin at mga early warning cones upang maiwasan ang anumang aksidente.

Ayon naman kay Phi­lippine Institutue of Volcanology and Siesmo­logy (Phivolcs) Renato Solidum na hindi dulot ng faultline ang mala­king bitak ng lupa dahil walang faultline sa lugar.

Maaari anyang ang malaking bitak ay dulot ng pagguho ng lupa dahilan ng malakas na pag-ulan o maaaring may isinagawang excavation work malapit sa natu­rang lugar. - Angie dela Cruz

CRACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with