^

Police Metro

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumagal

Mer Layson - Pang-masa
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumagal
People are seen flocking to Divisoria in Manila in this November 2020 photo, causing the DOH to remind to public to stay away from crowded areas
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Matapos ang ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ay  iniulat kahapon ng OCTA Research Group na nagkaroon nang pagbagal ang surge ng mga kaso ng COVID-19.

Sa latest monitoring report ng OCTA, sinabi nito na ang National Capi­tal Region (NCR) ay nakapagtala ng average na 3,819 COVID-19 cases kada araw mula Agosto 15 hanggang 21, na 24% na mas mataas kumpara sa 3,088 cases per day na naitala naman mula Agosto 8 hanggang 14.

Ayon sa OCTA, nagkaroon nang pagbaba ang rate nang pagdami ng mga bagong kaso ng sakit.

Sa kanilang monito­ring, ang growth rate ng kaso ng sakit sa rehiyon ay nasa 72% noong nakalipas na dalawang linggo at 48% naman noong nakalipas na dalawang linggo.

Nabatid rin na ang kasalukuyang reproduction number sa Metro Manila ay nasa 1.67 kumpara noong nakaraang linggo na  nasa 1.90.

Anya, ang Metro Manila ay mayroong kahalintulad na antas ng impeksiyon o reproduction number noong Abril 1, 2021, ngunit ang kasalukuyang rate nang pagbaba ng reproduction number ay mas mabagal kumpara sa rate nang pagbaba noong panahong iyon.

Ang posible naman anilang paliwanag dito ay ang presensiya ng mas nakahahawang Delta va­riant ng COVID-19 na nasa bansa na ngayon o di kaya ay ang mas mataas na mobility ng mga tao nitong katatapos na ECQ.

Sinabi ng grupo na epektibo naman ang ipinairal na dalawang linggong ECQ ng pamahalaan ngunit kailangan aniyang mapanatili ito sa loob ng susunod na apat na linggo upang makakita ng downward trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.- Danilo Garcia

COVID-19

ECQ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->