MANILA, Philippines — Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga batang babaeng nagkakaedad 10-14 anyos na maagang nabubuntis at maagang nagpapakasal sa bansa.
Ayon kay Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan, upang matugunan ang problema ay kinakailangang maging puspusan ang kampanya ng pamahalaan hingggil sa ‘puberty, reproduction, relationships, sexuality, at maging sa tinatawag na unsafe sex’.
Binigyang diin ni Sangcopan na ang usaping ito ay maituturing na “national social emergency”na dapat kagyat na tugunan ng pamahalaan.
Muling nanawagan ang lady solon na ipasa na ang mga panukalang nakabinbin sa Kongreso upang mapigilan ang maagang pagbubuntis, pagiging batang ina at maagang pag-aasawa ng mga kabataan.