^

Police Metro

Bakuna sa mga bata, ‘wag muna — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Bakuna sa mga bata, ‘wag muna — DOH
Binibigyan ng religious group na ito ng pagkain ang ilang palaboy sa Lungsod ng Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-24 ng Nobyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dahil sa kakapusan ng supply ng bakuna laban sa Covid-19, inihayag ng Department of Health (DOH) kahapon na hindi pa inirerekomenda ang pagbabakuna sa mga bata na kabilang sa 0-19 age group.

“Ang rekomendasyon po ng ating mga eksperto ay hindi muna bakunahan ang ating mga kabataan dahil ito po ay makakaapekto sa supply ng iba pang priority groups gaya ng ating senior citizens,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kanilang datos, mas mababa pa sa isa ang “ave­rage death per day” dahil sa COVID-19 sa pediatric age group mula Hunyo hanggang Agosto 12 na siyang pinakamaliit umano sa lahat ng age groups.

Pinakamataas o pina­kamarami pa rin umano na nasasawi ay mula sa age group na 60-taong gulang pataas kaya nananatili na sila pa rin ang prayoridad sa vaccination.

Ang pahayag ng DOH ay kasunod sa sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ma­aaring maumpisahan ang pagbakuna sa mga batang may edad 12-17 sa Set­yembre ngunit depende pa rin sa suplay na darating.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with