Mga kritiko ng NTF-ELCAC fund, binanatan ni Esperon
MANILA, Philippines — Binanatan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang mga kritikong nagmumungkahing gamitin ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa COVID-19 efforts ng gobyerno.
Tinawag ni Esperon na self-serving at political statements ang mga pahayag ng kritiko at giit na hindi lang naman ang COVID-19 pandemic ang ‘threat of concern’ sa bansa dahil dapat ding pagtuunan ang ekonomiya at anti-criminality efforts gaya ng paglaban sa iligal na droga at pagbabantay sa soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.
“We have to address the triad of the CPP-NPA-NDF that for 53 years seeking to overthrow our democratic form of government. We are working on this, to bring peace and development to the countryside. Insurgency is a ‘black eye’ of the country. BDP is our program for the victims,” aniya.
Itinanggi rin ni Esperon na nakalaan ang P19.1 billion na pondo ng task force para sa nalalapit na 2022 elections at ang alokasyon sa Barangay Development Program (BDP) para sa taong ito ay ibinuhos sa Davao, na balwarte ni Pangulong Duterte.
Transparent din aniya ang NTF-ELCAC pagdating sa BDP nito na makikita mismo sa kanilang website – www.ntfelcac.org/bdp-dashboard.
Bukas din sila sa pag-iinspeksyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission on Audit.
- Latest